Pages

Tuesday, May 3, 2016

The best meal of your life

The best meal of my life.. Mejo mahirap to! First and foremost, ang dami pagpipilian. Sa takaw ko ba naman! Hahaha!! 

Ok, I closed my eyes for a few seconds before answering this. What's the best meal of my life ba? I will tell you the first meal na naisip ko ha. 

The best meal of my life was a canned tuna na nilagyan ng egg at umuusok na white rice! Waaaaa bakit?? Sa dinami-dami ng fancy resto, eat-all-you-can buffet at mga fine dining na kinainan ko bakit yung simple at de-lata pa?? 

I honestly do not know the answer. E sa yun ang una ko naisip e. Come to think of it, mukhang may reasons --

1. Super gutom na gutom na gutom na gutom na ako nung time na yun. 
This meal was prepared by my friend Joya nung one-week Baguio Tour ng batch. We stayed in an apartelle na may kitchen. We were 6 in the room, ang diskarte kanya-kanyang luto per room. Since estudyante pa kami noon, wala pa kami budget magfast food everyday. I cannot really remember but I think it's Thursday na that time, we were in Baguio since Monday pa of that week so mejo petsas de peligros na kami nun (meaning wala na pera) so after ng isang nakakapagod na site tour namin derecho kami uwe sa apartelle para magluto. Past lunch na ito. Canned tuna na lang ang nakayanan namin so nilagyan na lang ng egg pamparami. Awww ang sarap! Ewan ko lang kung magaling lang talaga si Joya magluto or gutom na gutom na gutom lang talaga ako. Hahaha!

2. Effort ng kaibigan na ipagluto kami kahit pagod na rin sya. 
Sabi ko nga diba galing kami sa site tour at luto to ni Joya. Kakatats lang!

3. The meal was shared with good friends.
Well, that time, we usually go to Muf's house naman at nagluluto din kami ng food. But first time ko kasi sila makasama ng one week in one house so I felt like we were all taking care of each other. Hang sweet! 

Here's my roommates by the way. Yung nakagray na jacket sa far right yung nagluto ng tuna. Habang kami taga-gayat lang ng sibuyas ganern.

Ang masaya pa, shempre marami rin kami natitikmang food from our 'neighbors' kasi nagluluto din sila. Minsan may inaadopt din kami na boys kasi di sila marunong magluto. #ThoseWereTheHappyDays

E ikaw, what is the best meal of your life?


Missing Baguio,
Yosh
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...