Pages

Monday, April 25, 2016

#PrayForPUPHAM


Nung fresh grad pa ako, proud na proud ako sa resume ko. Tuwing iinterviewhin ako sa work, winiwish ko na sana mabasa ng interviewer yung Affiliations part ng CV ko. Sa isip ko, "Sige na po, hayaan nyo ako magkwento tungkol sa grupo ko." I was that proud that I am a part of PUP Help, Assist and Mobilize Radio Communications Group. At hindi lang ako basta part, naging VP for Internal Affairs din ako.

I admit na never akong naging techie pagdating sa pagraradyo. Ipinaubaya ko yan kay Chester bilang VPEA sya (Haha). Wala akong masyadong alam sa pagsesetup ng radyo, wala rin akong sariling setup sa bahay (for a short time lang nung nakahiram ako ng Charlie kay 97) at lalong hindi ko kayang sagutan ang entrance exam ng mga probis ngayon. Ang alam ko lang, masaya kami dati. Bilang VPIA, sure ako na okey na okey ang Internal Affairs ng grupo. At wala kaming gusot na tuluyang lumaki at di nasolusyunan.

Shempre, we had our own dose of problems. Pinakamalala jan yung misunderstanding between us enrolled and the alumni. You see, ang membership kasi sa PUPHAM ay lifetime. Palaging may 'say' ang mga alumni kahit graduate na sila. For some reasons na ayoko na pagkwentuhan pa in detail, we had a clash. To summarize, nanindigan kami, bilang enrolled, na kami dapat ang in control bilang pangalan namin ang nakataya. For the alumni, nasaktan sila bilang naechapwera sila. Sabi nila, and I quote: "Pag naging alumni kayo, maiintindihan nyo din kami". Naitaguyod naman namin ang org at nakagraduate kami ng matiwasay. Naging ok din kami eventually sa mga alumni.

Ngayon, alumni na din kami. At may malaking issue na naman na kinahaharap ang grupo. Sobrang lala, na ang mga Founders at BOD ng grupo ay nagtawag ng forced resignation sa current president. As expected, nakiramay at nagresign na rin ang 2 VPs. Nakakalungkot. Nagegets ko ang bawat panig, na sa aking palagay ay madaling maayos basta pagusapan. Malaking bagay, oo, pero kayang ayusin. Alumni na rin ako pero maraming bagay pa rin akong di maintindihan. Alam ko wala akong karapatang magsalita dahil hindi ko alam lahat ng nangyayari at hindi rin naman ako active. Ang sa akin lang, sana pagusapan ng PERSONAL at huwag magpatutsadahan sa Facebook. Kung simula pa lang pinagusapan na, hindi na sana lumaki pa.

It brought me to the point kung bakit mahal na mahal ko ang PUPHAM. O baka may tumaas ang kilay jan. Kahit hindi po ako active, mahal ko ang grupo. Sa sobrang pagmamahal ko, handa akong bigyan ang enrolled ng kalayaan na patakbuhin ang grupo sa paraang tingin nila ay tama. Bilang alumni, andito ako para sumuporta at magbigay ng payo. Hindi na nila kailangan ng isa pang critic, they have enough. Pero shempre, sure ako na mas mahal ng mga Founders at BOD ang grupo bilang sila ang gumawa nito. Naiintindihan ko kung bakit ganun sila kaprotective sa grupo. Pero sana bilang mas nakatatanda, subukan din nilang idaan sa tama ang lahat. Again, pagusapan ng PERSONAL. Anyhoo, going back...

Mahal ko ang PUPHAM bilang dito, AKO AY AKO. Labo? Errr. During the early days of my college years, wala akong sariling identity. Unpopular kasi ako. Hindi ako matalino. Hindi ako maganda. Subukan mo akong ipagtanong sa kahit sinong ECE sa batch namin, ang isasagot sayo - "Huh sino yun?". Pero subukan mo dugtungan ng - "Yung tropa ni Posh saka Joann?". Ayan baka makilala na ako. Tanggap ko po yun, walang kaso saken. Simula sa kalagitnaan hanggang sa bandang dulo ng 5-year stay ko sa PUP, nagkaroon ako ng jowa na popular. Hindi na ako tropa ni Posh at Joann LANG, syota na ako nung math wiz na taga-ECESS. Again, tanggap ko po yun. Mahal ko e, proud na rin. But then mabait saken si Lord, ayaw nya ako gumraduate na walang sariling identity. Dahil sa PUPHAM, may maipagmamalaki na rin ako. Sa loob ng 100, ako si 122. Ako si Secretary-turned-VPIA. Hindi ako si 124A, si 124 ang 122A. Dahil sa PUPHAM, napakita ko ang worth ko bilang isang PUPian. Oo, nung gumraduate ako naging famous ako dahil ako yung syota ng math wiz na taga-ECESS na pinagpalit sa classmate nila. Pero sa sarili ko, mas ako pa rin si 122 ng PUPHAM. Wapakels na sa sasabihin ng iba.

Makulay ang aking college years, at malaking factor don ang PUPHAM. Kaya masisisi mo ba ako na ang title ng post na to ay #PrayforPUPHAM?


Umaasang maaayos pa,
Yosh

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...